Tuesday, August 19, 2008

Mag-ingat sa Bibitawang Salita

Haay nakakaasar naman nasagot ko na naman si mama ng hindi ko sinasadya. T.T Kasi knina yung lagayan ng kanin nalagay ko sa pwesto niya. Blak ko naman na talaga yun ilagay sa tabi ng lamesa e para hindi na sagabal. Kumukuha kasi si mama nun ng sopas niya. E biglang tumawag yung kaklase ko sa sun ko para lang pala tanungin kung kelan papasa yung thesis namin. So yung dapat na ilalagay kong lalagyan ng kanin sa tabi ng lamesa, nawala na sa isip ko at nasagot ko si mama! Ang sabi saken ni mama "parang ayaw mo na ako pakainin ah!" Tas bigla ko siyang nasagot na "e wala ka pa naman e kaya dyan ko muna nilagay" After ko sabihin yun nagalit na siya... Kesyo hindi naman daw niya ako binabastos sa harapan ng mga kaibigan ko blah blah blah. Pinapalampas niya lang daw yung mga ganung pagakakataon na sinasagot sagot ko siya... E kaso ang gusto ko kasi sana sabihin sa kaniya nun is "wait lang may tumawag kasi saken kaya hindi ko naitabi agad" Haaay...

Ginagawa ko naman na ang lahat para maiwasang hindi ko na siya masagot ng ganun! Masyado na kasi ako nasanay na bigla bigla na lang nagsasalita nang hindi nag-iisip e... Which is a bad habit of mine... T~T Gusto ko na matanggal tong ugali ko na toh e... Gusto ko na iwasan yung padalos dalos na pananalita. Sana nga wag na toh maulit e huhuhuhu... Gusto ko na toh mabago waaaa!

@ 8:27 PM




jan


Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^

JaYnEaLeEzA
It's Me!!


LINKS
(>.<) my multiply site
(>.<) my blog host
(>.<) nickelodeon

(-_-) apple salaya

ARCHIVES
(>.<) September 2005
(>.<) October 2005
(>.<) December 2005
(>.<) February 2006
(>.<) March 2006
(>.<) May 2006
(>.<) June 2006
(>.<) July 2006
(>.<) August 2006
(>.<) October 2006
(>.<) November 2006
(>.<) August 2008


TAGBOARD

MUSIKA