Sunday, August 20, 2006

Bad Day

Yesterday was the most exhausting day of my life! Sobrang napagod ako sa training namin sa basketball! Parang feeling ko ang dami na ng calories na naburn ko.(feeling lang naman...) Panu ba naman 7pm na nag-umpisa yung training namin! umulan pa kasi dun eh. Di tuloy kami nakastart ng maaga... Anyway, wala akong merienda nun at dinner kagabi. Tubig lang ang tinitira ko pantawid gutom. Kinakabahan na nga ako sa 1st game namin sa Sept18 eh. Parang feeling ko hihimatayin na ako pag nandun na ako sa game. Bilis kasi akong hingalin eh! Lalo na pag nagffast break na! Center pa naman ang position ko. Navavibes ko nga na kasama ako sa first 5 eh! Waaaaa!!!! Narinig ko pa naman sa coach namin na wala akong kapalit... Huhuhuhu... The things I do for a jersey... T_T Kaya next year, give up na ako! Grabe, laki na ng nagastos ko diyan sa basketball kong yan!

Sobrang napagod katawan ko kagabi! Halos buong parte ng katawan ko masaket kasama pa ulo. Nabadtrip lang naman kasi ako dun sa kapitbahay ko! Ang kulit sobra! Ako pa ang tinatanong kung panu magformat ng pc! Haller! As if naman may alam ako dun! Tsaka sana naman hindi siya nagmamadali na pagreplyin ako diba... Sinabi ko naman sa kaniya na may training ako nung araw na yun. Grabe ang kulit niya talaga! Hindi ko lang siya mamura eh! Amf... Tapus yung kaklase ko pa nakakaasar din! Biruin mo ba naman, nagpaload sa aken ng 60Php tapus bigalang binawi kung kelan naload ko na sa kaniya! Nyeta talaga yun eh! Nagpapautang na nga ako ng load, ako pa ang abunado! Haynaku... Huanna talaga... Parang ayoko na tuloy siyang loadan! Sa sobra kong galit kahapon muntik ko na tuloy masiko yung kalaban ko kagabi... Whew! Tinulog ko na lang lahat ng inis at saket ng katawan ko kagabi eh! Bukas may training uli kami. Haaay...

@ 6:23 PM


Wednesday, August 16, 2006

Good Timing!

Etong pokemon na ito ang dahilan kung baket napagastos si Chuichui kahapon... Hehehe! Kasi kahapon nagcut na ako ng class sa theo namin(buti na lang dahil wala din naman kaming prof dun!). Tapos tumawag saken sa sun si Chui pinapapunta niya ako dun sa school nila para makipagkita. Yun pala pupunta silang SM! Sumama na lang ako kasi wala naman din akong magawa dito sa amin... Pagkadating na pagkadating namin dun EXTREME HotShots na agad ang bukambibig ko sa kaniya! Hehe... Nilibre naman niya ako... Tig-isa kaming dalawa... Hindi pa siya um-order ng drinks niya, sabi niya kakayanin daw niya. Wala pa atang ilang minuto tumatagaktak na ang pawis niya! Namumula na sa sobrang anghang! Hahahahahaha! XD Nagmatapang pa kasi eh! Yan tuloy! Parang na siyang nakapagPE ng di oras... Partida ako hindi pa nakiinom ng tubig or softdrinks, siya hindi na nakatiis eh. Nakiinom na talaga sa friends niya na kasama namin dun kumain. :p Naiiyak na siya sa sobrang anghang... Haay... Ang saya talaga kahapon! Sayang nga hindi pa masend ni Chui yung pic namin nung nasa SM kami. Habang naglalakad ba naman kami e nagpipicture picture kami! Heheh... :3 It was a good timing para magcut ng class...^^ Well actually nahanap ko yung action figure nitong pokemon na ito nung nasa toy section kami eh... Ikot kasi sila ng ikot nang maisip ko na bisitahin namin yung toy section. Fortunately, nakita ko na may mga pokemon na uli silang binebenta! Kaso wala si raichu... T_T E di yun na nga nakita ko tong si Azurill... :3 Sabi ko kay Chui yun na lang ang regalo niya sa aken for Christmas!!^^ Parang talaga akong bata kahapon nung pinapabili ko yun sa kaniya yan... Hehe... La lang...

Bago ko makalimutan, iintroduce ko tong pokemon na ito kung sino siya...
Name: Azurill
Classification: Polka Dot Pokemon
Type: Normal
Description: Azurill, The Pre-evolved form of Marill. It spins it's tail as Lasso to throw itself over great distances quickly. It's tail also contains nutrients that Azurill requires in order to grow. While it is not a good battler... It is good in contests.

*Breed two Marills and poof it became Azurill!^^

@ 9:10 AM


Monday, August 14, 2006

The Horror


Waaaaaaaa!!! Mukha nga akong Chinadoll diyan sa prom namin! Tapos etong bez ko pa nilagay sa testi ko... (Nilagay ko rin naman sa blog ko... Ehehehe... :p) Nakakamiss yang gabing yan at the same time nakakainis kasi hindi tugma yung suot ko sa prom eh... T_T Kainis talaga... Nwei, di ko alam kung anu naisip nitong bez kong toh... Miss you so much bez!!! Haaay... Kelan ba tayo magkakaroon ng kuha na hindi ako mukhang doll?? :/ Di bale marami pang araw... :3 Sana matulungan mo kami sa pag-edit ng docu namin... Dahil kung hindi ako ang lagot sa leader namin... Huhuhuhu... Thanks nga pala sa testi Avery!! XD

@ 8:27 AM




jan


Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^

JaYnEaLeEzA
It's Me!!


LINKS
(>.<) my multiply site
(>.<) my blog host
(>.<) nickelodeon

(-_-) apple salaya

ARCHIVES
(>.<) September 2005
(>.<) October 2005
(>.<) December 2005
(>.<) February 2006
(>.<) March 2006
(>.<) May 2006
(>.<) June 2006
(>.<) July 2006
(>.<) August 2006
(>.<) October 2006
(>.<) November 2006
(>.<) August 2008


TAGBOARD

MUSIKA