Wednesday, July 26, 2006

What the Heck?!

Kanina lang sa school bigla akong napaisip kung hihiwalay na ba talaga ako sa 2 kong kasama... I was having a brain storm whether I'm gonna stay with them or not. Medyo nawawala na kasi ako sa mundo nila eh... Parang sa tuwing kasama ko silang 2, sila lang ang nagkakaintindihan. Hindi ko na alam kung anu ba talaga gagawin ko. Parang nauulit lang yung nangyare dati. Gusto ko na ma-undo lahat! Gusto ko kami na lang uling 2 nung friend ko ang magkasama. Sabi nung mga iba ko pang friends, unti untiin ko na lang ang paghihiwalay sa kanilang 2. Anu ba talaga?! Ang gulo ko talaga mag-isip... Sige na nga mag-iiba na ako ng grupo tutal nag-eenjoy naman sila sa presence ng isa't isa. Hahaha!

Pabababain ko na yung pride ko para makipag-ayos dun sa friend ko na Indian... Haay... Medyo sinisisi ko nga sarili ko dahil hindi agad ako napapili between sa kanilang 2 nung Jane eh... Ako yung naipit sa gitna. I kinda made the wrong decision... Punong puno na kasi ako ng galit nung araw na yun kaya hindi kaagad ako nakapag-isip ng mabuti. Dapat inintindi ko muna siya bago ako nagalit... Minsan talaga umiiral yung katangahan ko sa paggagawa ng disisyon. Ngayon naman I want her back na kasi hindi ko na nagagawa yung nagagawa ko dati pag magkasama kami eh.

Namimiss ko na yung mga times na magkasama kaming iniikot yung mga pasikot sikot na daanan ng school namin. Yung mga panahon na pag excited akong magkwento ng stories ko, nandyan siya laging nakikinig. Kahit gaanu kababaw, nakikinig pa rin siya. But now, I think it's too late para bumalik lahat yun sa dati dahil sa pagkakamali ko dati... T_T Tama nga siguro yung dichi ko na kung sino yung una mong naging kakilala sa orientation, yun na ang makakasama mo buong taon. Sigh... Hindi na nga ako masaya sa school ko, lalo pang nadagdagan yung kalungkutan ang buhay ko as a paulinian... T~T Ngayon ko lang narealize na siya na nga yung hinahanap kong kasundo ko diyan sa st. paul... Lahat to nawala dahil talaga sa aken...

@ 6:30 PM




jan


Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^

JaYnEaLeEzA
It's Me!!


LINKS
(>.<) my multiply site
(>.<) my blog host
(>.<) nickelodeon

(-_-) apple salaya

ARCHIVES
(>.<) September 2005
(>.<) October 2005
(>.<) December 2005
(>.<) February 2006
(>.<) March 2006
(>.<) May 2006
(>.<) June 2006
(>.<) July 2006
(>.<) August 2006
(>.<) October 2006
(>.<) November 2006
(>.<) August 2008


TAGBOARD

MUSIKA