Monday, June 26, 2006

SM Sta. Mesa Stampede!!!

This is the 1st time na masabak ako sa stampede! Amf! Kasi kahapon pumunta kaming SM para mamili at magpalamig... Kasama ko yung 2 naming huanna po... Sa hindi inaasahang pagkakataon, nandun din si Katrina Halili... Nung pababa na kami sa escalator(tama ba?), nakita ko na sobra daming tao! Pagdating namin sa baba, nagkaipitan na yung mga tao! Gagu kasi yung guard eh! Imbis na magcrowd control siya, nakatunganga din siya kay Katrina! Amf... So yun na nga, nagmamadali akong makipagsiksikan sa mga tao... Umaakyat ako kasi alam ko maiipit na ako dun sa babaan! Sa kasawiang palad, natulak pa rin ako dun sa gilid ng escalator... Syempre yung goma dun sa gilid nun umaandar pa rin. Nakikipagtulakan na talaga ako kasi alam ko maiipit na ako. Natalo pwersa ko kaya natangay ako nung goma sa gilid... Napaupo talaga ako dun! Buti na lang may humila saken para tumayo ako... Hindi na ak nakapag"thank you" sa kniya kung sinu man siya kasi nagmamadali na akong umalis dun sa kinalalagyan ko. Sobrang daming tao nagsisiksikan dun sa foodcourt! E yun na lang kasi ang natitirang daanan papuntang grocery, kaya no choice talaga kami... Ang dami kong pasa sa katawan! Meron ako yung sa bandang bewang tapus meron din sa hita ko na naipit dun sa pinadulo ng escalator. Pati braso ko meron din eh!

Hindi pa nga gumagaling yung isa kong pasa sa kanang braso ko meron nanamang bago! Pakshet... Pagkatapus nung stampede na yun chaka lang nila pinatay yung escalator! Kung kelan may nangyare nang masama! Loko kasi yung guard eh! Sobrang saket ng katawan ko nun nung galing namin sa SM! Hindi ako makahiga sa kaliwa ko... T_T Ngayon lang ak minalas ng ganun... Haay... (-.-)

@ 5:28 PM


Thursday, June 15, 2006

Buwan ng Saket

For the past few days ang nagiging saket ko itong buwan ay problema sa tiyan! Nung Tuesday(June13), first day ng school nagkaproblema agad ako sa digestive system ko! All I ate was beef steak from the cafetiria... I ca't understand why my stomach acted weird. Until I realized that I haven't burped all day! Yun pala hindi ako natunawan. The only cure for this is to drink lots of 7Up... Yun kasi ang pinapainom samin lagi ni mama whenever my stomach gets cranky...

So here's how the story goes... Tuesday is like I've said was my 1st day in school... Niyaya ako ni mama na sumama sa reunion nila ng high school friends niya. My dismisal time was 6pm tapus hindi pa maganda pakiramdam ko. Gusto ko na nga sanang umuwi kaso naisip ko na last subject na rin naman na. Onteng tiis na lang uwian na. Kaya sige lang tahimik na ak sa isang sulok waiting for the teacher to say, "Oh! Let's pray na..." So I could go home and drink 7Up!

Nung uwian na namin, paalam na ako agad sa mga friends ko tapus tinext ko na si mama na pauwi na ako at maghanda na ng 7Up... When I got home, hinablot ko agad yng 7Up! Ininum ko ng diredirecho! Kelangan kasi ganun eh or else hindi effective. medyo nagburp na ako kaya kala ko ok na ako. Ang natira na lang na masket saken ay yung ulo ko. Uminom ako ng gamot at sabay alis na! Nung nakarating na ako dun sa house nung friend ni mama, masket pa rin ulo ko. Pero hinayaan ko na lang kasi naisip ko rin na baka mawawala din yun... Nung kumukuha na ako ng pagkain ko, bigla kong naramdaman na nasusuka ako!! As in nasa lalamunan ko na siya! Takbo agad ako sa kusina para maghanap ng kubeta! Pero wala akong nakita! Sabi nung may-ari ng bahay dun ak sa basurahan sumuka! Kaso hindi ko na napigilan kaya sa lababo ko lahat nasuka!(Eew diba?) It's true na hindi talaga ako natunawan... Huhuhuhu... T_T

After that medyo um-ok na pakiramdam ko... But now ang problema ko naman puro hangin ang laman ng tiyan ko! Amf! Filing ko tuloy lagi akong busog! What the heck! I hate this... Hindi tuloy ako makakain ng dinner... T_T
((BTW, yung house na pinuntahan namin is yung sa tita & tito ni Zina... Hekhek! XD))

@ 9:26 PM


Wednesday, June 07, 2006

School Day is Fast Approaching

Waaaaaaaaa!!!!! Lapit na uli ang pasukan namin... T~T Ayoko pa sila makita... Hindi lang naman mga tao ang hindi ko gusto makita eh... Pati yung mga madre samin... Nung isang gabi kasi my atsi,dichi & me had a conversation about how the Catholic editted the word of God... Sa 10 Commandments daw ng St. Paul,sabi ng dichi ko walang "You shall not make for yourself an idol in the form of anything in heaven above or on the earth beneath or in the waters below. You shall not bow down to them and worship them."(Exo. 20:4-5) Oo nga naman... Bat nman sila ganun? E diba ang sabi sa Rev. 22:18-19 na "If anyone adds anything to them, God will add to him the plagues described in this book. And if anyone takes away from this book of prophecy, God will take away from him his share in the tree of life and in the holy city, which are described in this book."

Napansin lang naman yun ng mga kapatid ko... Naging topic namin yan nung kumakain kami. Haha! Kanya kanyang paniniwala nga pero wala lang... Nung nabanggit kasi nila un, bigla nga naman akong napaisip... Haay... Dami pa silang sinabi saken na oo nga medyo totoo nga naman... :p Naisipan ko lang iexpress yung mga iniisip ko sa skul ko... XD Minsan kasi sumosobra na sila... Oo happy ak kasi nakakapagchurch ako sa school every 1st friday of the month. Kahit papano nakakapagchurch ak kaso nga lang... Sigh... Dapat nagnon-sec nalang ak na school... Hekhek! XD

Sa sobra kong walang magawa nakagawa ako ng blog entry ng di oras... Maintenance Day kasi ngayon ang FLYFF eh... ;p Sisilip nga ako sa mga Bible ng skul ko... Titingnan ko kung totoo yung sabi ng dichi ko... Bwahahahaha...

@ 10:42 AM




jan


Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^

JaYnEaLeEzA
It's Me!!


LINKS
(>.<) my multiply site
(>.<) my blog host
(>.<) nickelodeon

(-_-) apple salaya

ARCHIVES
(>.<) September 2005
(>.<) October 2005
(>.<) December 2005
(>.<) February 2006
(>.<) March 2006
(>.<) May 2006
(>.<) June 2006
(>.<) July 2006
(>.<) August 2006
(>.<) October 2006
(>.<) November 2006
(>.<) August 2008


TAGBOARD

MUSIKA