Monday, June 26, 2006

SM Sta. Mesa Stampede!!!

This is the 1st time na masabak ako sa stampede! Amf! Kasi kahapon pumunta kaming SM para mamili at magpalamig... Kasama ko yung 2 naming huanna po... Sa hindi inaasahang pagkakataon, nandun din si Katrina Halili... Nung pababa na kami sa escalator(tama ba?), nakita ko na sobra daming tao! Pagdating namin sa baba, nagkaipitan na yung mga tao! Gagu kasi yung guard eh! Imbis na magcrowd control siya, nakatunganga din siya kay Katrina! Amf... So yun na nga, nagmamadali akong makipagsiksikan sa mga tao... Umaakyat ako kasi alam ko maiipit na ako dun sa babaan! Sa kasawiang palad, natulak pa rin ako dun sa gilid ng escalator... Syempre yung goma dun sa gilid nun umaandar pa rin. Nakikipagtulakan na talaga ako kasi alam ko maiipit na ako. Natalo pwersa ko kaya natangay ako nung goma sa gilid... Napaupo talaga ako dun! Buti na lang may humila saken para tumayo ako... Hindi na ak nakapag"thank you" sa kniya kung sinu man siya kasi nagmamadali na akong umalis dun sa kinalalagyan ko. Sobrang daming tao nagsisiksikan dun sa foodcourt! E yun na lang kasi ang natitirang daanan papuntang grocery, kaya no choice talaga kami... Ang dami kong pasa sa katawan! Meron ako yung sa bandang bewang tapus meron din sa hita ko na naipit dun sa pinadulo ng escalator. Pati braso ko meron din eh!

Hindi pa nga gumagaling yung isa kong pasa sa kanang braso ko meron nanamang bago! Pakshet... Pagkatapus nung stampede na yun chaka lang nila pinatay yung escalator! Kung kelan may nangyare nang masama! Loko kasi yung guard eh! Sobrang saket ng katawan ko nun nung galing namin sa SM! Hindi ako makahiga sa kaliwa ko... T_T Ngayon lang ak minalas ng ganun... Haay... (-.-)

@ 5:28 PM




jan


Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^

JaYnEaLeEzA
It's Me!!


LINKS
(>.<) my multiply site
(>.<) my blog host
(>.<) nickelodeon

(-_-) apple salaya

ARCHIVES
(>.<) September 2005
(>.<) October 2005
(>.<) December 2005
(>.<) February 2006
(>.<) March 2006
(>.<) May 2006
(>.<) June 2006
(>.<) July 2006
(>.<) August 2006
(>.<) October 2006
(>.<) November 2006
(>.<) August 2008


TAGBOARD

MUSIKA