![]() Mag-ingat sa Bibitawang Salita Haay nakakaasar naman nasagot ko na naman si mama ng hindi ko sinasadya. T.T Kasi knina yung lagayan ng kanin nalagay ko sa pwesto niya. Blak ko naman na talaga yun ilagay sa tabi ng lamesa e para hindi na sagabal. Kumukuha kasi si mama nun ng sopas niya. E biglang tumawag yung kaklase ko sa sun ko para lang pala tanungin kung kelan papasa yung thesis namin. So yung dapat na ilalagay kong lalagyan ng kanin sa tabi ng lamesa, nawala na sa isip ko at nasagot ko si mama! Ang sabi saken ni mama "parang ayaw mo na ako pakainin ah!" Tas bigla ko siyang nasagot na "e wala ka pa naman e kaya dyan ko muna nilagay" After ko sabihin yun nagalit na siya... Kesyo hindi naman daw niya ako binabastos sa harapan ng mga kaibigan ko blah blah blah. Pinapalampas niya lang daw yung mga ganung pagakakataon na sinasagot sagot ko siya... E kaso ang gusto ko kasi sana sabihin sa kaniya nun is "wait lang may tumawag kasi saken kaya hindi ko naitabi agad" Haaay...Ginagawa ko naman na ang lahat para maiwasang hindi ko na siya masagot ng ganun! Masyado na kasi ako nasanay na bigla bigla na lang nagsasalita nang hindi nag-iisip e... Which is a bad habit of mine... T~T Gusto ko na matanggal tong ugali ko na toh e... Gusto ko na iwasan yung padalos dalos na pananalita. Sana nga wag na toh maulit e huhuhuhu... Gusto ko na toh mabago waaaa! ![]() Ragna Again ((I am now at my cousin Jamie's house![]() Balik ragna nanaman ako dito sa bahay ng pinsan ko... Heheh! Ngayon lang ako nakalampas ng pagiging mage lang. High Wiz na rin ako!! Wuhooooooooo! XD Ngayon lang din ako nagkaron ng pet na Munak. Ang cute... :3 Tomato ang name niya.^^ Nagawa ko yang char ko wala pang 1 week. Wahahahaha! Adik... Kaso yung build ko hindi ata pang PvP... T_T La lang share ko lang... Ahihi! Proud ako sa high wiz ko eh... XD Kahit na hindi ganun kagaganda yung mga gamit niya. :p ![]() Unknown People I learned my lesson na hindi na dapat ako tumatanggap ng txtmate na hindi ko kilala... Last na itong nasaken... Minsan kasi nakakasulit sila ng unli eh... Hehe! Sa umpisa kasi masaya... Pero 'pag dumating na yung time na nagsasabi na sila na they fell in love with you, ibang usapan na yan. Nakakainis na nakakairita at the same time. Parang gusto mo na magpalit ng cp# para lang hindi na makita yung mga asungot nilang pangalan. Pero naisip ko rin na baket ako dadaan sa pagkandahirap hirap na proseso para lang sa isang taong hindi mo naman kilala? Isipin mo, ikakalat mo pa sa mga tao na may bago ka nang #! Nakakatamad... Kaya sige makikisakay na ako sa mga kalokohan nitong hunghang na 'to... Magsasawa din naman siya eh... Hehehe!Gustong gusto nilang pumasok sa buhay kong magulo! Hindi lang nila alam kung gaano kagulo ang mundo ko. Baka magsisi pa siya na nakilala niya ako. Ayoko rin maging sutil ako. Pass time ko lang naman ang paghahanap ng txtm8 eh. Pero simula kagabi, naisip ko na dapat siguro itigil ko na ito. Panu ba naman kasi napapansin ko halos lahat ng nagiging txtm8 ko na lalake nagkakagusto saken. E puro pa naman huanna... Anu ako bale?? Baka mapatay lang ako ng parents ko pag nalaman nilang may howe akong huanna! Tapus nameet ko lang through text! Amf... 2 beses ko lang naisip na makipagkita. After that, hindi ko na ginagawa yun. Promise ko talaga yun sa sarili ko... Haay... >.< ![]() Bad Day Yesterday was the most exhausting day of my life! Sobrang napagod ako sa training namin sa basketball! Parang feeling ko ang dami na ng calories na naburn ko.(feeling lang naman...) Panu ba naman 7pm na nag-umpisa yung training namin! umulan pa kasi dun eh. Di tuloy kami nakastart ng maaga... Anyway, wala akong merienda nun at dinner kagabi. Tubig lang ang tinitira ko pantawid gutom. Kinakabahan na nga ako sa 1st game namin sa Sept18 eh. Parang feeling ko hihimatayin na ako pag nandun na ako sa game. Bilis kasi akong hingalin eh! Lalo na pag nagffast break na! Center pa naman ang position ko. Navavibes ko nga na kasama ako sa first 5 eh! Waaaaa!!!! Narinig ko pa naman sa coach namin na wala akong kapalit... Huhuhuhu... The things I do for a jersey... T_T Kaya next year, give up na ako! Grabe, laki na ng nagastos ko diyan sa basketball kong yan!Sobrang napagod katawan ko kagabi! Halos buong parte ng katawan ko masaket kasama pa ulo. Nabadtrip lang naman kasi ako dun sa kapitbahay ko! Ang kulit sobra! Ako pa ang tinatanong kung panu magformat ng pc! Haller! As if naman may alam ako dun! Tsaka sana naman hindi siya nagmamadali na pagreplyin ako diba... Sinabi ko naman sa kaniya na may training ako nung araw na yun. Grabe ang kulit niya talaga! Hindi ko lang siya mamura eh! Amf... Tapus yung kaklase ko pa nakakaasar din! Biruin mo ba naman, nagpaload sa aken ng 60Php tapus bigalang binawi kung kelan naload ko na sa kaniya! Nyeta talaga yun eh! Nagpapautang na nga ako ng load, ako pa ang abunado! Haynaku... Huanna talaga... Parang ayoko na tuloy siyang loadan! Sa sobra kong galit kahapon muntik ko na tuloy masiko yung kalaban ko kagabi... Whew! Tinulog ko na lang lahat ng inis at saket ng katawan ko kagabi eh! Bukas may training uli kami. Haaay... ![]() Good Timing! ![]() Bago ko makalimutan, iintroduce ko tong pokemon na ito kung sino siya... Name: Azurill Classification: Polka Dot Pokemon Type: Normal Description: Azurill, The Pre-evolved form of Marill. It spins it's tail as Lasso to throw itself over great distances quickly. It's tail also contains nutrients that Azurill requires in order to grow. While it is not a good battler... It is good in contests. *Breed two Marills and poof it became Azurill!^^ ![]() The Horror ![]() Waaaaaaaa!!! Mukha nga akong Chinadoll diyan sa prom namin! Tapos etong bez ko pa nilagay sa testi ko... (Nilagay ko rin naman sa blog ko... Ehehehe... :p) Nakakamiss yang gabing yan at the same time nakakainis kasi hindi tugma yung suot ko sa prom eh... T_T Kainis talaga... Nwei, di ko alam kung anu naisip nitong bez kong toh... Miss you so much bez!!! Haaay... Kelan ba tayo magkakaroon ng kuha na hindi ako mukhang doll?? :/ Di bale marami pang araw... :3 Sana matulungan mo kami sa pag-edit ng docu namin... Dahil kung hindi ako ang lagot sa leader namin... Huhuhuhu... Thanks nga pala sa testi Avery!! XD ![]() What the Heck?! Kanina lang sa school bigla akong napaisip kung hihiwalay na ba talaga ako sa 2 kong kasama... I was having a brain storm whether I'm gonna stay with them or not. Medyo nawawala na kasi ako sa mundo nila eh... Parang sa tuwing kasama ko silang 2, sila lang ang nagkakaintindihan. Hindi ko na alam kung anu ba talaga gagawin ko. Parang nauulit lang yung nangyare dati. Gusto ko na ma-undo lahat! Gusto ko kami na lang uling 2 nung friend ko ang magkasama. Sabi nung mga iba ko pang friends, unti untiin ko na lang ang paghihiwalay sa kanilang 2. Anu ba talaga?! Ang gulo ko talaga mag-isip... Sige na nga mag-iiba na ako ng grupo tutal nag-eenjoy naman sila sa presence ng isa't isa. Hahaha!Pabababain ko na yung pride ko para makipag-ayos dun sa friend ko na Indian... Haay... Medyo sinisisi ko nga sarili ko dahil hindi agad ako napapili between sa kanilang 2 nung Jane eh... Ako yung naipit sa gitna. I kinda made the wrong decision... Punong puno na kasi ako ng galit nung araw na yun kaya hindi kaagad ako nakapag-isip ng mabuti. Dapat inintindi ko muna siya bago ako nagalit... Minsan talaga umiiral yung katangahan ko sa paggagawa ng disisyon. Ngayon naman I want her back na kasi hindi ko na nagagawa yung nagagawa ko dati pag magkasama kami eh. Namimiss ko na yung mga times na magkasama kaming iniikot yung mga pasikot sikot na daanan ng school namin. Yung mga panahon na pag excited akong magkwento ng stories ko, nandyan siya laging nakikinig. Kahit gaanu kababaw, nakikinig pa rin siya. But now, I think it's too late para bumalik lahat yun sa dati dahil sa pagkakamali ko dati... T_T Tama nga siguro yung dichi ko na kung sino yung una mong naging kakilala sa orientation, yun na ang makakasama mo buong taon. Sigh... Hindi na nga ako masaya sa school ko, lalo pang nadagdagan yung kalungkutan ang buhay ko as a paulinian... T~T Ngayon ko lang narealize na siya na nga yung hinahanap kong kasundo ko diyan sa st. paul... Lahat to nawala dahil talaga sa aken... ![]() |
jan |
Mahaba itong mga entries ko... Pero kung matiyaga ka't magagawa mong sayangin ang kapiranggot mong oras dahil sa kababasa mo sa lahat ng entries ko, thank you na rin. Open din nga pala ako sa mga comments... At dahil may tagboard na ako, diyan na kayo mag comment... :3 You are always welcome to come back and visit my blog... hehehe...^^ JaYnEaLeEzA ![]() LINKS (>.<) my multiply site (>.<) my blog host (>.<) nickelodeon (-_-) apple salaya ARCHIVES (>.<) September 2005 (>.<) October 2005 (>.<) December 2005 (>.<) February 2006 (>.<) March 2006 (>.<) May 2006 (>.<) June 2006 (>.<) July 2006 (>.<) August 2006 (>.<) October 2006 (>.<) November 2006 (>.<) August 2008 TAGBOARD MUSIKA |